Wednesday, December 9, 2009

landas

Nitong mga nakaraang linggo, maraming nangyari sa buhay ko. Dulot na rin siguro ng kagustuhan kong maiba naman. Iba-ibang emosyon ang lumalabas sa sarili ko. Pero kadalasan naman masaya.

Hindi ko alam pero mas naaapektuhan ako ngayon sa buhay ng iba. Marami akong nakikitang hindi kaaya aya. Pero sadyang pinapakita sa akin kung ano ang ibang anyo ng buhay… masalimuot… malungkot… Sana di mangyari sa akin ang nangyari sa kanila… Iniisip kong isa itong magandang aral para sa akin na pagisipan ng mabuti ang mga bagay bagay…

Sa kabilang banda, kakaiba rin ang nagiging takbo ng buhay ko… Maayos naman generally… Hindi ko alam kung naghahanap lang ba ako ng spice… o abnormal lang talaga ako… Mas pinipili ko ang hindi madali… Wala lang… trip ko lang… bakit ba?! Jijijiji

Sigurado na ako, pagkatapos ng taong ito, malaki ang pagbabagong magaganap... Mas pinili ko na mangyari iyon sa akin… Para mas lalo akong matuto sa buhay… Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa kong pagpeprepare. Pero alam ko, in the long run, para pa rin sa akin yun…

Kaakibat din nun ang maraming bagay na di ko na rin madalas magagawa… Ni hindi nga ako sigurado kung magagawa ko pa ang iilang nakasanayan ko nang gawin… pero masyado atang malakas ang pagiging adventuruous ko sa buhay. Kahit ganun man, naeexcite ako sa tuwing iniisip ko ang gagawin ko… Simple lang… kasi bago siya sa akin…

Pero alam ko magiging ok naman ako… magiging masaya pa rin ako… yun lang naman ang laging pinapairal ko sa buhay… ang maging masaya… hanggat masaya ako sa ginagawa ko, di na alintana sa akin kung ano pa ang mga di kanais nais na pwede pang mangyari… simple lang ulit… kasi di naman sigurado yun… chances lang… maaaring mangyari, maaaring hindi… pero ang pagiging masaya… nasa tao kung paano niya paiiralin yun…para sa akin… yun ang buhay ko! Basta! jijijiji

Mahaba na ito… ano ba talaga ang gusto kong tumbukin?! Wala naman… mixed emotions pa rin ako dahil alam kong hanggang katapusan na lang ng taong ito ako maaaring makapagbigay ng mahabang oras sa mga kaibigan ko… na madalas akong available… Comes next year, alam kong magiging sobrang busy na ako… hayz…


Click here and have fun reading full version!

Sunday, December 6, 2009

Pagtatagpo

Naalala niyo nung nakaraan na di nakasipot si tatay sa aming dinner?

Bumawi naman siya ngayon...

Unang araw ng Disyembre, nagkita kita ulit ang pamilya...

Medyo may kalayuan ang aming napiling lugar pero ayos naman kasi maaliwalas naman at cozy ang dating...

Syempre, habang hinihintay ang aming order, may konting posing muna kahit takam na sa pagkain... jejejejejeje


Bago simulan ang chibugan eh kunan muna ng remembrance...


Dahil mabilis pa sa alas singko at ubos na rin ang nakahain...


Matagal pa kami tumambay pagkatapos namin kumain...


Masarap pa rin isipin na sa kabila ng iba -bang iskedyul namin ay nagagawa pa rin namin ang mga bagay gaya nito...


Click here and have fun reading full version!

Wednesday, December 2, 2009

Long Hiatus!

Ilang araw rin akong nawawala dito sa blogworld…

Nasa biyahe ako nun nung tinopak ang computer ko at nagcrash na lang bigla…

Natakot ako kasi di ako nakapagback up sa mga recent files ko…

Ayun napilitan tuloy akong magisip kung ano ang pinakamagandang solusyon… jijijijiji

Pasensya na sa lahat ng nagcomment at matagal bago ko kayo nasagot…

Totoo, nakakalungkot talaga, kasi wala na akong magawa pa sa ngayon para maretrieve ko pa yung files…

Pinaubaya ko na lang sa authorized service center ang kapalaran ng computer ko…

Kesa magdwell ako sa malungkot na nangyari sa computer ko, mabuti pa pagusapan na lang natin ang mga masasayang bagay… gaya ng pag ngiti…

UU, tama ka… ngumiti ka kaya… diba masarap ang feeling nun?!


Ngayong darating na 8th ng December, halina’t makiisa sa pagpapalaganap ng ngiti sa bawat isa sa atin… Kahit isang minuto lang…

Maari din kayong magpadala ng larawan niyo na nakangiti kay Lord CM… gaya nito…


Sali na rin kayo ah?!
Click here and have fun reading full version!